Friday, March 29, 2013

Kasaysayan: Kahulugan at Kahalagahan

Kasaysayan: Kahulugan at Kahalagahan

Lahat ng bagay sa ating daigdig ay may pinagmulan. Simula sa kalawakan, sa sistemang solar, sa ating daigdig na ginagalawan, sa mga kontinente, sa ating bayang sinilangan, sa ating kinalalagyan, sa ating mga nakikita sa paligid hanggang sa ating mga sarili. Tulad ng isang puno, na nagsisimula bilang isang binhi, na kapag itinanim sa lupa, inalagaan at inaruga ay magiging isang halaman. Hanggang sa ito ay maging isang puno na magbibigay ng ating mga pangangailangan. Tulad rin ito ng kasaysayan, may pinagmulan, pamamaraan, at batayan.

Ang salitang kasaysayan ay ang salinwika ng salitang Ingles na history. Ang salitang history naman ay nagmula sa salitang Griyego na "historia" na nangangahulugang pag-uusisa at pagsisiyasat.

Ang kasaysayan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinagaaralan ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao,mga bansa, at daigdig noong mga nakalipas na panahon.

Mayroong kasabihan na "Past is past" kung kaya't ang mga bagay na nakalipas na ay dapat huwag nang balikan pa. Walang nakaraan ang hindi nagbibigay ng aral sa ating buhay at sa buhay ng iba. Lahat ng mga nakalipas na pangyayari ay kadalasang ayaw balikan at nais kalimutan dahil sa sakit na idinulot nito sa atin. Ngunit ano ba ang maganda sa pagsariwa natin sa nakalipas? Sa bahagi ng kasaysayan ng ating buhay? 

Ang pag-aaral ng kasaysayan ay hindi lamang pag-aaral sa mga nakaraan, kundi sa kung paano nito naapektuhan, naaapektuhan at maaapektuhan ang ating kasalukuyan at kung paano natin maiiwasan ang mga di kanais-nais na kaganapan sa hinaharap. Gayundin ang ating mga personal na kasaysayan, may nakalaang mga pamamaraan upang ating maiwasan, may mga aral na hatid na magsisilbing gabay sa ating pamumuhay katulad na lamang na kung tayo ay madapa ay tiyak na hindi na natin nanaisin pang madapa at magkasugat.

Hindi naman puro masalimuot ang bahagi ng kasaysayan kung kaya't pinag-aaralan din nito ang pagpapanatili ng mga bagay na may kinalaman sa mga magagandang pangyayari noon. Pinag-aaralan din nito kung paano mananatiling buhay sa isipan ng mga tao ang mga masasayang bahagi ng kasaysayan upang kanila namang maipagmalaki, maipagbunyi, at magsilbing inspirasyon.

Bukod sa mga nakalipas na pangyayari, ang kasaysayan ay tinatalakay rin ang pinagmulan ng istruktura ng lipunan, pamahalaan at pag-usbong ng kultura. 

Sa pag-aaral ng mga tao ng kasaysayan, mapupuna natin ang mga pagbabago na humubog at umukit sa katauhan at kalagayan ng mga tao at ng mga bayang kanilang kinalalagyan. Nagsimula sa wala, hanggang sa umusbong, pinaunlad, muling nasira, bumangon at muling umunlad. Lahat ito ay bahagi ng pag-aaral ng kasaysayan.


7 comments:

  1. ang ganda ng article na ito, pati na rin ang pagkakasulat. help me really well on my assignmet.

    ReplyDelete
  2. ang ganda ng article na ito, pati na rin ang pagkakasulat. help me really well on my assignmet.

    ReplyDelete
  3. Las Vegas - Casino - JMH Hub
    JMH, located on the Las Vegas 창원 출장샵 Strip, offers an upscale Las 춘천 출장마사지 Vegas experience that 평택 출장마사지 is 태백 출장마사지 both visually stunning and 전라북도 출장마사지 enchanting. The casino is located in

    ReplyDelete